Hindi na nakakagulat na ang pagpapatiwakal ay hindi limitado sa iba't ibang salik tulad ng edad, kasarian at katayuan sa buhay.
Ayon sa isang statistikang ulat na ibinahagi ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC), itinuturing na ang suicide ay kabilang sa listahan ng sampung nangungunang sanhi ng kamatayan para sa lahat ng edad noong taong 2013.
Pinakamataas na bilang ng statistika para sa suicidal thoughts, o pag-iisip ng pagpapatiwakal, ay napapailalim sa pangkat ng edad na 18 hanggang 25. Kasama na ring napapailalim sa pangkat ng edad na ito, ang pinakamataas na bilang ng pagpaplano ng pagpapatiwakal. Kadalasan sa mga kabataan napapailalim sa pangkat na ito ay mga estudyante sa kolehiyo o mga panibagong nagtapos.
Sa pinagsama-samang kooperasyon at ideya ng mga miyembro ng Singhap, nabuo ang isang radyo dokumentaryo na naglalahad ng personal na karanasan ng mga indibidwal na minsan nang sinubukan na tapusin ang kanilang sariling buhay. Kinalap at hiningi rin namin ang mga propesyonal na opinyon ng mga psychiatrist ukol sa paksang ito.
